Tuesday, March 3, 2015

Sampung payo para sa duguang puso.


   Naloka,napraning,natuliro at minsan ka na rin bang nawala sa sariling katinuan dahil sa pag-ibig?Pinakamasarap at pinakamasayang pakiramdam ang umibig at ibigin ka ngunit kung masalimuot na ang sitwasyon,paano ka nga ba makaka-survive upang hindi ka pulutin sa mental hospital? Ang mga sumusunod ay maari mong subukan upang hindi maging taong grasa ng dahil sa pag-ibig.

  1.Tumawa ng tumawa.Kahit gustong umiyak ng damdamin mo,pigilan mo at piliting tumawa.Syempre hindi mo gagawin yan ng nag-iisa,makipagkita sa mga kaibigan atsaka makipagtawanan.Gawin ng madalas,pwedeng araw-arawin upang mkalimot.

  2.Magpaganda.Kung sapalagay mo ay wala ka ng igaganda huwag mawalan ng pag-asa dahil ang tunay na kagandahan ay nasa kalooban at nasa isipan.Mag-ayos ng sarili.Bumili at magsuot ng mga bagong damit,sapatos,bag. Magpamanicure,footspa,pedicure,magpagupit at magpakulot.Gawin ang lahat ng maiisip na makapagpapabago ng itsura mo atsaka humarap sa salamin at sabihin sa sarili na maganda ka at marami pang magkakagusto sa iyo ng higit sa kanya.Mararamdaman mo na lamang ang pagpapahalaga mo sa sarili pagkatapos nito.

 3.Magrelax.Pumunta sa lugar na tahimik katulad ng dagat,bundok at bulkan.Mag-ingat lang dahil baka mataon sa pagsabog ng bulkan,siguraduhin din na walang bagyo at tsunami kung pupunta sa dagat.Baka hindi ka nga nabaliw sa pag-ibig ay napadali naman ang buhay mo dahil dito.Basta pumunta sa lugar na may magandang tanawin at tahimik.Busugin ang mga mata sa mga makikita dito at isiping marami pang magagandang bagay ang makikita mo at mangyayari sa iyo hindi pa katapusan ng mundo dahil lang naghiwalay kayo.Nakagagaan ito ng pakiramdam.

   4.Libangin ang sarili sa ibang bagay.Pagtuunan ng pansin ang trabaho,negosyo o pag-aaral kaysa magmumok maghapon magdamag.Kahit maagnas ka kakaantay at kakaiyak diyan sa madilim mong kwarto,kung hindi na siya babalik wala ka ng magagawa.Magpakitang gilas at magsipag sa trabaho at pag-aaral hangga't maari ay huwag magpapahinga kung hindi pa pagod,tumigil lamang kung sobrang pagod na upang matulog siguraduhing wala kang mababakanteng oras upang hindi mo maisip ang magagandang ala-ala na pinagsaluhan ninyong dalawa.Sa ganitong paraan,nakalimutan mo na siya,matutuwa pa sa iyo ang boss mo o nanay mo.Baka mabigyan ka pa ng award,reward o incentive na magdudulot sa iyo ng sobrang kasiyahan.

 5.Kumain at magpakabusog.Yun ay kung may budget ka, kaya sundin mo ang ikaapat na payo upang magawa itong ikalimang payo.Kainin lahat ng gustong kainin hanggang sa makaramdam ka ng kasiyahan at pagkakuntento.Maiisip mo nalang na hindi lang pala pag-ibig ang nagpapasaya sa isang tao.

 6.Magpalit ng cellphone number at burahin ang cellphone number niya.Dapat hindi mo kabisado ang number niya dahil walang silbi ang pagbura nito kung kabisado mo naman pala,para ka namang t*ng* nun.Gawin mo ito upang hindi mo siya maitext kapag ikaw ay nalulungkot at nawawala sa sarili at upang hindi ka magmakaawa na bumalik siya sa iyo.

 7.I-unfriend o i-block siya sa facebook.Iyan ang huwag mong gagawin.Huwag ka ding maging stalker sa fb niya.I-unfollow mo lang siya upang wala kang makitang post niya.Huwag ding magpost ng mga nakakalungkot at pang-broken hearted na mga qoutes bagkus ang ipost mo ay mga larawan na ginagawa mo ang pinakaunang payo ko.Dito mo maipapakita sa kanya na masaya ka kahit wala siya sa buhay mo.Ipamukha mong hindi siya kawalan.

 8.Makinig ng mga love songs bago matulog.Paglabanan ang kalungkutan habang pinapakinggan ang mga ito.Ang tawag dito ay torture!Kailangan itong gawin upang maging mas matatag ka sa pinagdadaanan mo.Pwedeng umiyak habang pinapakinggan ang mga ito.Ulit-ulitin gabi-gabi.Mapapansin mo nalang na unti-unti ay nakakaya mo ng pakinggan ang mga awiting ito na hindi ka na nasasaktan at habang lumilipas ang araw ay masarap na sa pakiramdam ang makinig ng love songs.

 9.Gumawa ng account sa iba't ibang networking sites.Dito ay makakahanap ka ng mga bagong kaibigan at makakausap at kung suswertehin ka ay baka dito mo pa matagpuan ang susunod na magpapakilig sa iyo ngunit mag-ingat lamang sa mga manloloko at huwag agad magtiwala sa taong hindi pa lubos na kakilala.

 10.Magpahinga.Ipahinga muna ang napagod na puso at huwag agad pumasok sa bagong relasyon.Damahin muna ang kalayaan at dulot na saya ng pagiging single.Mas mararaming magagandang bagay kang maiisip at magagawang mag-isa,siguradong lalabas ang pagiging malikhain mo tulad ng pagsulat na ginagawa ko ngayon, epekto ito ng pagiging single.

    Mas importante pa rin na pahalagahan ang sarili bago ang iba.Walang ibang sasalo sa iyo kapag muli kang nabigo kundi sarili mo.Kapag natutunan mo na ang madaling paraan ng paglusot sa masalimuot na buhay pag-ibig babalewalain mo nalang ang iba pang kabiguan na dadating sa'yo.Huwag ka lang sanang maging pusong bato at mapagod magmahal dahil pag-ibig pa din ang nagbibigay kulay sa buhay ng tao.(www.sba.ph)